Posts

Showing posts from September, 2017

Broken heart and trust? Basahin ito!

Image
Naranasan mo na ba ang mabroken-hearted? Eh yung mawasak yung tiwala mo? Naranasan mo na ba? Hindi lang sa kasintahan kundi pati narin sa iyong pamilya o mga kaibigan. Sa mga taong akala mo masasandalan mo. Yung mga taong akala mo maari mong ipaubaya ang tiwala mo sakanila. Pero ano? Sa huli eh nabigo ka din nila. Sa panahong ganito, ano ang ginagawa mo? Nagmumukmok? Nagpapatug-tog ng mga kantang mas magpapadagdag pa sa lungkot o emosyon na naramdaman mo. Umiiyak ka ano? O sinisisi mo sa iba ang lahat ng nangyayari sa buhay mo? Sinasaktan mo ba ang sarili mo? Hanggang sa humantong ka sa ayaw mo nang mabuhay at ginugustong wakasan ang lahat ng paghihirap na dinaranas mo sa pamamagitan ng pagkitil sa iyong sarili. TANDAAN MO! Y.O.L.O You only live once! Pag kinuha mo na ang iyong sariling buhay sa tingin mo maibabalik mo pa yan? Sabi nga ng iba, kapag may problema ka, lampasan mo lang wag mong tambayan. Lahat ng sakit na nararamdaman mo? Hindi naman yan permanente eh

Madaming gawain? Worth it lahat :)

Image
"Ayoko na! Ang daming gagawin! Hindi ko na kaya! Bahala na si Batman!" Ito ang kadalasan nating linya sa mga bagay na iniistress tayo. Sa dami ng gagawin hindi mo na alam kung ano ang uunahin mo. Yung tipong pati si Batman na walang kamalay-malay eh nadadamay mo. Umpisa palang yan sa mga problemang pagdaraanan mo sa buhay. Kung hindi mo kayang i-organize ang ganitong simpleng bagay eh paano naman na ang buhay mo? Pagdating sa mga ganitong bagay kinakailangan lang nating kumalma. Dahil sa mga paghihirap na dinaranas mo ngayon ay worth it lahat sa future. Bunga ng iyong paghihirap ang napakagandang hinaharap. Kaya kalma lang 😊

My Intro

Image
As of now, bago palang para saakin ang magpost sa tinatawag nilang "Blog". Tungkol saan naman ang blog ko na ito? Patungkol ito sa mga karanasan sa buhay. Kung ano ang realidad at kung ano ang expectations mo. Patungkol ito sa napakadami mong sana ganito at sana ganyan sa mundong pero ganito at pero ganyan. Minsan kasi, sa napakadaming problema natin sa buhay ay nalilimutan natin na libre parin ang mangarap. Ngayon tatanungin kita, What is your dream?