Para sa ating pinakamamahal na mga Guro!

Mga Guro.

Alam naman nating lahat na hindi madali ang pagiging isang guro sa napakadaming estudyante.

Araw-araw mo silang didisiplinahin, ieencourage mag-aral at syempre ang magtapos. Ang ating mga guro ay tinagurian naring pangalawang magulang natin.

Sila yung mga nagpupuyat sa paggawa o pagsulat ng grades mo. Yung sumusuporta sa iyo kasama ng mga kaklase mo kapag sinasabak ka sa isang paligsahan man iyan, yung iintindi sa iyo at higit sa lahat ay yung magmamahal sa iyo na parang tunay na anak.

Hindi natin alam ang pinagdadaanan nila sa buhay, ang sarili at personal nilang problema sa kani-kanilang mga tahanan. Pero kahit na ganoon, heto sila at lumalaban! Binibigyan tayo ng kaalaman sa mundong wala tayong kamuwang-muwang.

Kanilang inaalay ang kanilang oras para tayo ay matuto. Kaya maging proud tayo sa ating mga guro! Para sa aking mga guro, mahal ko po kayo! 💞
credits to the owner of the picture

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ang buhay ay parang puno

My Intro

Madaming gawain? Worth it lahat :)