Reality of being a fan

Kapag fangirl/boy ka, nandiyan na lahat ng saya at lungkot.

Sa kada updates ni oppa or ni noona/eonnie, mga selcas niya or videos, nariyan ka na kinikilig-kilig pa.

Yung kada tweet or post niya, pinapaalala mo na palagi siyang mag-iingat, stay healthy at mahal na mahal mo siya kahit na marami kayong nagsasabi nun sakanya at malabong mabasa niya.

Every comebacks nila na aabutin ka ng alas-onse o hanggang alas-dose matulog hintayin lamang ang mga teaser concepts nila.

Siyempre kapag ni-release na ang music video, ayan ka na at nagfafangirl. Yung pinalalandakan mo sa marami kung gaano ka ka-proud sakanila or sakanya.

Siyempre hindi maiiwasan na magkaroon ng mga bashers ang mga iniidolo mo kaya heto ka at todo defend.

Everytime na may hate comments siya at alam mong nababasa at nasasaktan siya, pati ikaw nakikiramay. Nakiki-iyak.

Yung every comeback na pagod na pagod siya at minsan ay naisusugod na sa hospital, sobrang worried ka. Na sana okay lang siya. Naghihintay ka ng update patungkol sakanya.

Pero hindi rin naman maiiwasan na siya ay ma-link sa iba, celebrity man o hindi. At kapag siya ay pupunta na sa army, maghihintay ka ng matagal sa pagbabalik niya.

Hindi rin naman maiiwasan na siya ay magkaroon ng girlfriend, sino ka nga ba para masaktan diba? Isang hamak na fangirl ka lang naman niya. Wala kang karapatan na makialam sa mga desisyon niya sa buhay.

Hindi rin magtatagal at magkakaroon na siya ng sariling pamilya at iiwan na ang trabaho niya.

Ikaw naman, magpapatuloy lang ang buhay mo. Masakit oo, pero hindi mo naman maipagkakaila na minsan niyang pinasaya at binigyan ng kulay ang buhay mo.

Credits to the owner of the picture.

Comments

Popular posts from this blog

Ang buhay ay parang puno

My Intro

Madaming gawain? Worth it lahat :)