Posts

Ang buhay ay parang puno

Image
Para sakin, marami ang pwede mong ikumpara sa buhay. Maaring nabubuhay o yung mga nakikita mong bagay-bagay sa paligid. Ihalimbawa nalang natin ang isang puno. Nagsimula ito sa pagiging isang buto. Buto na hindi mo alam kung ano ang magiging itsura nito sa oras na lumaki. Kapag ito ay inalagaan mo, araw-araw na dinidiligan at tinatanggal ang mga damo-damo sa paligid ay tiyak na maganda ang paglaki niya. Paglaki nito, siyempre mararanasan na niya ang iba't-ibang pagsubok. Ang tag-tuyot, tag-lamig, tag-ulan at syempre pati ang mga bagyong magdaraan. Nasa kanya na lamang ito kung magpapadaloy nalang siya at tuluyang matumba o mananatiling matatag. Sa buhay, ayos lang ang umiyak at maging mahina. Pero ito ay tandaan, wag na wag kang susuko sa bawat pagsubok na pagdaraanan mo. There's no such thing as permanent in this world except change. Kaya yang pagsubok na iyan? balang araw ay maaalala mo nalang at mapapangiti ka. Magiging proud ka sa iyong sarili sapagkat kinaya mo i

Para sa ating pinakamamahal na mga Guro!

Image
Mga Guro. Alam naman nating lahat na hindi madali ang pagiging isang guro sa napakadaming estudyante. Araw-araw mo silang didisiplinahin, ieencourage mag-aral at syempre ang magtapos. Ang ating mga guro ay tinagurian naring pangalawang magulang natin. Sila yung mga nagpupuyat sa paggawa o pagsulat ng grades mo. Yung sumusuporta sa iyo kasama ng mga kaklase mo kapag sinasabak ka sa isang paligsahan man iyan, yung iintindi sa iyo at higit sa lahat ay yung magmamahal sa iyo na parang tunay na anak. Hindi natin alam ang pinagdadaanan nila sa buhay, ang sarili at personal nilang problema sa kani-kanilang mga tahanan. Pero kahit na ganoon, heto sila at lumalaban! Binibigyan tayo ng kaalaman sa mundong wala tayong kamuwang-muwang. Kanilang inaalay ang kanilang oras para tayo ay matuto. Kaya maging proud tayo sa ating mga guro! Para sa aking mga guro, mahal ko po kayo! 💞 credits to the owner of the picture

Reality of being a fan

Image
Kapag fangirl/boy ka, nandiyan na lahat ng saya at lungkot. Sa kada updates ni oppa or ni noona/eonnie, mga selcas niya or videos, nariyan ka na kinikilig-kilig pa. Yung kada tweet or post niya, pinapaalala mo na palagi siyang mag-iingat, stay healthy at mahal na mahal mo siya kahit na marami kayong nagsasabi nun sakanya at malabong mabasa niya. Every comebacks nila na aabutin ka ng alas-onse o hanggang alas-dose matulog hintayin lamang ang mga teaser concepts nila. Siyempre kapag ni-release na ang music video, ayan ka na at nagfafangirl. Yung pinalalandakan mo sa marami kung gaano ka ka-proud sakanila or sakanya. Siyempre hindi maiiwasan na magkaroon ng mga bashers ang mga iniidolo mo kaya heto ka at todo defend. Everytime na may hate comments siya at alam mong nababasa at nasasaktan siya, pati ikaw nakikiramay. Nakiki-iyak. Yung every comeback na pagod na pagod siya at minsan ay naisusugod na sa hospital, sobrang worried ka. Na sana okay lang siya. Naghihintay ka ng upd

Broken heart and trust? Basahin ito!

Image
Naranasan mo na ba ang mabroken-hearted? Eh yung mawasak yung tiwala mo? Naranasan mo na ba? Hindi lang sa kasintahan kundi pati narin sa iyong pamilya o mga kaibigan. Sa mga taong akala mo masasandalan mo. Yung mga taong akala mo maari mong ipaubaya ang tiwala mo sakanila. Pero ano? Sa huli eh nabigo ka din nila. Sa panahong ganito, ano ang ginagawa mo? Nagmumukmok? Nagpapatug-tog ng mga kantang mas magpapadagdag pa sa lungkot o emosyon na naramdaman mo. Umiiyak ka ano? O sinisisi mo sa iba ang lahat ng nangyayari sa buhay mo? Sinasaktan mo ba ang sarili mo? Hanggang sa humantong ka sa ayaw mo nang mabuhay at ginugustong wakasan ang lahat ng paghihirap na dinaranas mo sa pamamagitan ng pagkitil sa iyong sarili. TANDAAN MO! Y.O.L.O You only live once! Pag kinuha mo na ang iyong sariling buhay sa tingin mo maibabalik mo pa yan? Sabi nga ng iba, kapag may problema ka, lampasan mo lang wag mong tambayan. Lahat ng sakit na nararamdaman mo? Hindi naman yan permanente eh

Madaming gawain? Worth it lahat :)

Image
"Ayoko na! Ang daming gagawin! Hindi ko na kaya! Bahala na si Batman!" Ito ang kadalasan nating linya sa mga bagay na iniistress tayo. Sa dami ng gagawin hindi mo na alam kung ano ang uunahin mo. Yung tipong pati si Batman na walang kamalay-malay eh nadadamay mo. Umpisa palang yan sa mga problemang pagdaraanan mo sa buhay. Kung hindi mo kayang i-organize ang ganitong simpleng bagay eh paano naman na ang buhay mo? Pagdating sa mga ganitong bagay kinakailangan lang nating kumalma. Dahil sa mga paghihirap na dinaranas mo ngayon ay worth it lahat sa future. Bunga ng iyong paghihirap ang napakagandang hinaharap. Kaya kalma lang 😊

My Intro

Image
As of now, bago palang para saakin ang magpost sa tinatawag nilang "Blog". Tungkol saan naman ang blog ko na ito? Patungkol ito sa mga karanasan sa buhay. Kung ano ang realidad at kung ano ang expectations mo. Patungkol ito sa napakadami mong sana ganito at sana ganyan sa mundong pero ganito at pero ganyan. Minsan kasi, sa napakadaming problema natin sa buhay ay nalilimutan natin na libre parin ang mangarap. Ngayon tatanungin kita, What is your dream?